Huwebes, Enero 21, 2016

Haiku at Tanka




          Ang HAIKU ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan (poetry) na nagsimula sa bansang Japan. Sa literature ng mga Hapon, ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkakasunud-sunod. Ito ay karaniwang hindi nangangailangan ng tugma sa bawat hulihang bahagi ng salita ngunit ginagamitan ng paghahambing ng isa o dalawang ideya o kaya naman ay paglalarawan ng dalawang magkaibang (juxtaposition) tao, hayop, bagay, pangyayari o lugar. Mahigpit ang mga Hapones sa pagpapatupad ng mga alituntuning kaakibat ng ganitong uri ng sining. At dahil na rin sa likas na pagkamalikhain ng mga Hapones, naipaimbulog sa kanilang kultura ang haiku at magpahanggang ngayon ay kinakikitaan ng katangiang maaaring maging paraan upang mapagyaman ang kanilang sining. Ang mga salita na may wastong sukat na mga pantig na 5-7-5 at may tugma sa hulihang bahagi at may iisang diwa, ideya, paglalarawan, at katugmaan ang kalimitang nagiging dahilan ng ikagaganda ng isang haiku.

Mga Halimbawa:


HAIKU

*Sa munting pook*

Magandang bundok
At Tahimik na ilog
Sa munting pook

*Ang Puno*

Muntik mahulog
Ang mga berdeng dahon
Sa punong tindig

*Ang Ulan*

Buhos ng ulan
Kay gandang masdan
Patak ay tila kristal

*Sa pagsikat  ng Araw*

Masayang dungaw
Tila bulaklak
Ang pagsikat ng araw

*Sa Bukid*

Duon sa bukid
Presko ang hangin
Kay ganda ng tanawin

TANKA

*Pagbabago*

Minsan ay nagkamali
Ngunit ngayo'y natuto
Sa'yong pagkakamali
Ika'y bumangon
Ngayo'y nagbago

Sana ay malaman mo
Lihim ko sa'yo
Matagal na tinago
Ito'y totoo
Ang pag-ibig ko sayo

*Ang Binhi*

May isang binhi
Na nabaon sa lupa
Sa pag sapit ng gabi
Ay mag-uugat
Bukas mamumulaklak

*Ang Pag-ibig*

Kapag ika'y umibig
Umaapaw ang saya
Sa iyong dib-dib
Tila ay nasa langit
Sa'yong pagpikit

*Ang pagbunga*

Punong kay sigla
Puno ng bunga
Umiihip ang hangin
Tangal lahat ng bunga
Ngayon ito'y lagas na

Mga puno't halaman
Sila'y ingatan
May kagandahan


2 komento: